Halalan 2010











{October 18, 2009}   Chiz Escudero for President?

chiz escudero

chiz escudero

Ni Michael Arthur C. Lorenzo

Ang National Peoples Coailtion ngayon ay hindi pa alam kung sino nga ba ang magiging manok nila sa darating na 2010 elections. Ang dating pangulo ba na si Joseph Ejercito Estrada na minsan na naluklok na pinalitan din, Si Villiar na puno ng infomercials na kabubwisitan mo lang sa huli O Chiz Escudero na baguhan pa lamang sa national politics. Kilalanin muna natin si Chiz o Francis Escudero .

Si Francis Escudero ay ipinanganak noong October 10, 1969. at nagtapos siya sa Unibersidad ng Pilipinas mula kindergarden hanggang sa kolehiyo kung saan law ang kanyang kinukuha.  Noong 1994, nakapasa siya sa BAR exams at kumuha ng Masteral Degree in International and Comparative Law sa Georgetown University. Naging asawa niya si Christine Elizabeth R. Flores at nabiyayaan sila ng mga anak, sina Maria Cecilia at Joaquin Cruz.

Sumabak siya sa pulitika noong 1998 nang tumakbo siya sa pagiging kongresista ng 1st District ng Sorsogon at nagging Assistant Majority Floor leader. Dalawang beses siyang muling binoto ng mga tiga Sorsogon, at naging House Minority Floor Leader. Noong 2007 Elections, Tumakbo siya bilang Senador. Sa kabutihang, Anging Top 2 siya sa Senatorial slot kasunod ang kapartido niya si Loren Legarda. Sa ngayong bilang senador, siya ang Chairman ng Committee on n Justice and Human Rights; Constitutional Amendments, Revision of Codes and Laws; and Banks, Financial Institutions and Currencies.

Kilala si Chiz Escudero bilang isang palaban at hindi makasarili. Napatunayan na niya yan sa mga puna niya sa mga kamalian ng Administrasyong Arroyo noong kongresista pa lamang siya. At dahil doon kilala siyang kritiko ng pangulong Arroyo, pero sa akin lamang  ay tinatama niya ang mga pagkakamali ng administrasyon. Kilala rin siya sa kanyang karisama sa mga taongbayan dahil sa kanyang angking galling niya at nakuha niya nag loob ng taong bayan.

Eto ang kanyang plataporma mula sa kanya mismo:

Mapayapa at pinagpalang pagbati sa inyo!

Bilang senador, layunin ko po na maiparating ang boses ninyo sa Senado upang sama-sama

nating ipaglaban ang tama at labanan ang mali.

Pangunahing pagtutuunan ko ng pansin ay ang maibalik ang dignidad ng bawat Pilipino nang sa gayon ay taas-noo nating harapin ang mga hamon ng tadhana sa pamamagitan ng pagsulong sa mga sumusunod:

(1) Disenteng tirahan sa bawat Pilipino ayon sa programa ng Gawad Kalinga (GK), di lamang para sa mahihirap kundi pati na rin sa mga ordinaryong empleyado tulad ng mga guro, pulis, sundalo at iba pang mga kawani;

(2) Kabuhayan at sapat na pagkakakitaan batay sa sariling kakayahan ng bawat pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng micro-finance, skills training, at pagbigay ng prayoridad sa sarili nating mamamayan at kababaihang entrepreneur;

(3) Pagkakataon ng kabataang Pilipino na makapag-aral at makapagtapos mula mababang paaralan hanggang sa kolehiyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na pondo sa mga state colleges at universities, kaagapay ang pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng pribadong sektor sa larangan ng edukasyon;

(4) Pagkilala sa karapatang makapagpagamot at gumaling sa anumang karamdaman lalung-lalo na ang mga mahihirap at mga may edad;

(5) Pagtatanggol sa karapatang pantao at pagsupil sa anumang uri ng diskriminasyon;

(6) Pangangalaga ng ating kalikasan sa pamamagitan ng wastong paggamit nito upang matiyak na ang ating likas na yaman ay mapapakinabangan ng susunod pang mga henerasyon; at

(7) Isulong at ipaglaban kung anong naaayon sa batas upang makamtan ang katotohanan, katarungan, kalayaan, kapayapaan at pagkakaintindihan nating lahat.

Ito ang aking mga adhikain at pangarap para sa bawat Pilipino. Hiling at dalangin ko na sama-sama nating pagtulungan na makamtan ang lahat ng ito.

Ang inyong boses sa Senado,

CHIZ ESCUDERO

Source: http://www.chizescudero.com/chiz/aboutChiz.php?act=platform

Ngayong mag halalan na, wala pa ring desisyon si Chiz kung tatakbo siya o hindi. Wala pang nakakaalam kung ano talaga aang plano niya. Dapat sanay sa kaarawan niya magpapahayag kung tatkbo siya o hindi, Kaya lang sa mga nagdaang bagyong  Ondoy ay Peping, hindi muna niya ipapahayag ang kanyang plano npara sa 2010 elections. Dahil mad kailangan tuunan ng pansin ang mga nasalantang kababayan natin. Patunay lang ito na hindi siya tumutulong dahil lang gusto lang niya magpasikat at makuha ang loob ng tao. Si Escudero ay pwede nang tumakbo dahil nasa watong gulang na siya, At ayon sa batas ay maaring tumakbo ang isang taong nais maging pangulo sa edad na 40, at si Chiz ay nasa edad na para sa pusisyong ito. Pero para rin itong isang pelikula, na dapat abangan kung ano ang susunod na mangyari sa bida. Ganundin ang hinihintay na anunsyo ni Escudero para sa 2010 elections.

Pagkatapos ihayag ang kanditatura ni Nonoy Aquino sa pagkapangulo at pagatras ni Roxas sa pagkapangulo, hinihintay ng taongbayan kung tatakbo ba si Chiz o hindi. Kung gayun man, Saan partido siya mapupunta? Kung sa NPC, si Villiar ang makakabanga niya. Sino ang running mate niya?

Kung palarin siyang bilang pangulo ng ating bansa, siya na mismo ang pinaka batang presidente ng ating bansa. Dahil kabataan ang kanyang paunahing alalahanin magpapalano siya ng mga programa para sa mga kabataan.

Ako bilang isang kabataan gusto ko siya dahil siya ang boses ng masa, pero sa pagiging pangulo ng ating bansa, ibang usapan na yan. kahit na makatao at maka masa siya, ang tanong, kaya ba niya panindigan ang kanyang pagigng pangulo?, gagawin ba niya ang mga plataporma niya na lagi niyang ginagawa at alam natin na hindi biro ang paging pangulo. Bilang boses ng kabataan na umaasa ngayon sa kanya, gawin niya nag mga plano niya para sa mga kabataankatulad ko, pero sa akin kuro-kuro, hindi na niya kailangan maging pangulo ng ating bansa para makatulong sa bayan. kung ano man ang desisyon niya, tatangapin natin ang kanyang desisyon.

Naghihintay na ang tao sa desisyon mo, Chiz, Ano ba Tatakbo ka ba o hindi?



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

et cetera
%d bloggers like this: