Halalan 2010











{October 12, 2009}   Infomercial ni Manny Villar
manny villar

manny villar

ni: Lady Dianne Almonte

Marami ang bumabatikos kay Former Senator Manny Villar. Kesyo lahat daw ng nakokolekta sa kanyang departamento ay napupunta lang sa kanyang kamay. Yumayaman daw sya galing sa mabibigat na bulsa ng mga kapwa nya Pilipino. Pero sa darating na halalan sa taong 2010, sya ay kakandidato bilang Pangulo. Makatutulong para sa aming mga bagong botante ang mga infomercials ng mga kakandidatong Presidente sa susunod na taon. Para mas maging wais na kami sa pamimili ng mahusay na Presidente. Gaya na lamang ng infomercial ni Manny Villar. Sa aking pananaw, at nakikita sa kasalukuyan, mapapalakas ni Sen. Villar ang hatak sa masa lalo na sa mga bagong botante. Ako man ay nagagalak na pinakita nya sa kanyang tv ad ang kanyang buhay bago pa man sya maging isang Senador. Nagmula sya sa mahirap na pamilya. Gustong umangat sa buhay para hindi maranasan ng kanyang magiging pamilya ang buhay na naranasan nya. Hindi lang iyon, gusto rin nya ang makatulong sa mga nangangailangan. Gustong gusto nga ang tv ad nya na tungkol sa pabahay. Minsan nga ay may nagpunta sa amin na ahente ng CAMELLA House of Loan. Doon lang namin malaman na si Manny Villar ang Founder at nagbuo ng pabahay na iyon. Patunay lamang na hanggang ngayon ay binubuo nya pa rin ang kanyang pangara para sa nakakarami at nangangailangan. Kaya ako, hndi ako naniniwala sa sinasabi ng iba na sya ay may ginagawang kalokohan. Marahil sinasabi lang iyon ng iba upang ibaba sya sa kanyang kinalalagyan ngayon. Kung gagawa man ng anomalya si Senator Manny Villar, babawiin ng Diyos ang lahat ng binigay sa kanya. At pipilitin syang ibaba mula sa pinanggalingan nya. Hindi lang iyon. Marahil ay bumalik sa mga anak nya ang tinatawag na “karma”. Ipagpatuloy nya lang sana ang kanyang mga nasimulan. Ibahagi ito sa mga nangangailangan at huwag papatalo sa mga naninira.



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

et cetera
%d bloggers like this: