Halalan 2010











{September 21, 2009}   How Does Election Work?

Eto ang Gagawin...

Eto ang Gagawin...

ni: Jenna Mariz Dela Cruz

How Elections work?

Ang ma Pilipino ay bumoboto sa nasyonal na kabuuan ng Pilipinas. Ang Presidente ay nahahalal at namumuno sa loob ng 6 na taon. Kasabay din nito, ay ang pagboto sa pangalawang Pangulo na nakahiwalay sa balota ng Presidente. At gayundin ay ang paghalal sa local na bahagi ng bawat lungsod sa Pilipinas—gobernador, bise-gobernador, board members, mayor, opisyal ng baranggay at hanggang sa Sangguniang Kabataan (SK) na nakasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas at sa Lokal na Gobyerno(1991).

Ang Kongreso ay may dalawang bahagi, ang Kapulungan ng mga Kinatawan na binubuo ng 240 na myembro na namamahala sa loob ng 3 taon. At ang Senado na binubuo ng 24 na myembro na umuupo sa kanilang pwesto sa loob ng 6 na taon. At halos kalahati ng senado ay napapalitan taun-taon.

Sa ilalim ng Konstitusyon, ang kabuuang eleksyon ng Pangulo, pangalawang Pangulo, at ang kongreso ay isinasagawa pagkatapos ng pamumuno ng mga kasalukuyang namumuno rito.

ELEKSYON 2010

Ang susunod na eleksyon para sa mga bagong mamumuno sa bansang Pilipinas ay sa darating na May 10, 2010. at ang sinumang mananalo sa darating na eleksyon sa pagka-pangulo ay ang magiging ika-15 Pangulo ng bansang Pilipinas.

Ang Eleksyon 2010 ay pamamahalaan ng Commission on Election sa ilalim ng Republic Act No.9369 o mas kilala sa tawag na Amended Computerazition Act of 2007. Ito ang pinaka-una sa kasaysayan ng Pilipinas na gagamit ng makabagong teknolohiya para sa pagboto ng bawat Pilipino.

At maging ang mga local na opisyal ay mag-eeleksyon din para sa mamumuno sa kani-kanilang baranggay kasabay ng kanilang pagboto sa kanilang napupusuang mga bagong mamumuno sa ating bansa.

How elections work?                                                                                                  (Steps/process)

Ano ang mga nangyayari sa loob ng botohan? Ano ang mga hakbang na dapat gawin upang makaboto? Lalo na ngayon, maraming mga kabataan ang mga bagong botante. Hindi alam ng iba ang mga dapat gawin para bumoto. Naririto ang ilang mga hakbang o proseso kung paano makakaboto..

Una, hanapin muna ang nasabing presinto na pagbobotohan kung saan nakatala ang iyong pangalan. Pagkatapos ay lumapit sa isang tagapanguna roon upang kumuha ng election slip kung saan isusulat ang nasabing pangalan ng mga pulitiko na iyong boboto. Pumunta sa lugar kung saan mo gustong umupo upang magsulat na. Pagkatapos ay isiping mabuti ang mga pulitiko na iyong iboboto. Pag-aralang mabuti ang mga tao na gustong iboto sa oras ng eleksyon. Kung natapos na, pumunta sa lamesa at ibilot ang election slip na iyong sinulatan at ihulog ito sa ballot box. Siguraduhing maayos at nakabilot ng mabuti ang iyong election slip. At siguraduhin na nailagay ng maayos sa ballot box ang nasabing papel upang maiwasan ang dayaan.

Sa aking palagay, kung ating iisiping mabuti ang mga taong ating iboboto ay mas magiging maganda ang kahaharapin ng ating bansa. Kaya’t bigyan natin ng pansin ang ating pagboto, lalo na ng mga bagong botante, ang mga kabataang Pilipino. Tayo ay isa sa mga pag-asa ng bayan. Kaya’t ang ating pagboto ay ating seryosohin.



Sows says:

nakow. ayoko pang isipin ang halalan..na i stress nako kagad..$,$



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

et cetera
%d bloggers like this: