Halalan 2010











{September 20, 2009}   Eleksyon: Kabataan handa ka na ba?
Handa na kaya ako?

Handa na kaya ako?

ni: Michael Arthur Lorenzo

Isang taon na lang at eleksyon na. pero ang tanong ko sa inyong mga kabataan, nagparehistro ka na ba? Kung di pa, ipapaliwanag ko sa inyo kung ano ang tungkulin nating mga kabataan na bumoto sa susunod na magiging lider ng ating bansa.

Pagsapit natin ng 18 taong gulang, puwede na tayo pumunta sa bar, magdrive, manood ng R-18 movies at iba pang pribiliehiyo na natatamo natin pagasapit ng ika-18 karaawan natin. Sa ating batas, pag nakagawa ka ng krimen sa 18 taong gulang pwede kang makulong, makasuhan at parusashan ng batas. Pero ang pinaka-pribilehiyo,karapatan at tungkulin natin sa ating bayan ay ang bumoto ng magiging susunod na lider ng ating bayan. Ito ay nakasaaad sa Article 5v(Suffrage) ng 1987 constitution na ang lahat ng Pilipino ng 18 taong gulang pataas ay may tungkulin na bumoto.

Noong 15 taong gulang pa lang tayo ay nakaboto na tayo ng mga SK officials. Iyon ang umpisa ng ating karapatan na bumoto. Maski sa mga pagboto natin sa mga miyembro ng student council ng ating unibersidad o eskwelahan, pati na rin ang pagpili natin ng ating class president,  ito ang naging training natin sa pagboto.

Ngayon 18 taong gulang, may tungkulin tayong pumili ng mga magiging lider ng ating bansa. Pero ang ilang kabataan ay masyadong nababagot sa pulitika at mas iniintindi nila ang Dota, Facebook, Youtube, pag-text at kung anu-ano pa. Inisip ng iba na wala rin naman magyayari kung sino man ang ating pinuno ng bansa, basta nandyan ang luho, wapakels.

Pero ang ilang kabataan na may pakialam sa pulitika  katulad ko, iniisip ko kung sino nga ba ang magiging karapat-dapat na lider ng ating bansa. Kaso nga lang nagdadalawang isip pa kung boboto man ako o hindi? Yan ang tumatakbo sa isipan ng mga kabataang may pakialam sa pulitika. Kasi naman nung eleksyon may mga dayaan ang nangyayari. Nadyan ang Ballot Snatching, Flying Voters at terrorismo, minsan pa nga, mga patay bumoboto at ang pinaka-boring sa lahat PUMILA NG NAPAKAHABA, parang pumila ka na rin sa NFA. Mas masaklap pa, wala pa ang pangalan mo sa voter’s list. Parang wala na tiwala ang nga kabataang botante na bumoto muli kaya ang mga dahilan na lumalabas pag di tayo nakapagboto, Nakalimutang bumoto, Maysakit, boring bumoto, minsan sisishin ang COMELEC sa mabagal na serbisyo at kung anung mga white lies pa. Pero sa kabilang white lies na yan, ang katotohanan na hindi pa tayo gaanong kahanda bumoto ng pinuno ng ating bansa.

Eh paano tayo magiging handa ang mga kabataan sa eleksyon? Simple lang magparehistro ka lang.  Wag kang matakot o mabored bumoto, dahil iyan ang karapatan nating mga kabataang botante na ipinagkaloob sa atin ng batas at wag natin hayaan itong ipagkait. Sa panahong naghihirap ang ating bayan. Tayong mga kabataan ay maging mapagmalasakit sa ating bayan sa pagpili ng lider natin ng ating bansa. Pag-isipan natin kung sinong pinuno ng bansa na makakaintindi sa ating mga kabataan, ang ating hinaing, mga pinagkait na karapatan at gagabay sa atin sa ikakaunlad ng ating bayan. Yan lang ang payong kaibigan ko sa iyo kabataan…. para maging handa ka.

Kaya, ilang buwan na lang at eleksyon na. Dapat handa na tayong mga kabataan na bumoto ng ating mga susunod na lider na ating bansa. Magpareshitro ka na!! Nasa atin ang kamay ng kapalaran ng ating bansa. kaya, ELEKSYON NA, KABATAAN HANDA KA NA BA?



queenie gumabay says:

..bilang ‘sang kabataan tungkulin nating maging aware sa mga nangyayari sa ating kapaligiran..minsan nang minutawi ni rizal na tayo ang pag-asa ng ating bayan ngunit sa mga nakalipas na taon tayo ang syang naging sakit ng ulo ng ating bayan,kaya ngayong nalalapit nna eleksyon inilungsad ang programang “ako mismo” naglalayon itong ipabatid sa atin na mga kabataan kung ano at kung gaano kalaki ang papel o tungkulin nating dapat gampanan…bilang ‘kabataan maging resaponsable tayo ,makilahok tayo sa mnbalalpit na halalan bumoto tayo. iboto natin kung sinong dapat.tayo ang maging modelo sa iba kung hindi kaya ng mga matatanda..



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

et cetera
%d bloggers like this: