Halalan 2010











{September 19, 2009}   Paano mo mapaghahandaan ang eleksyon?
Palitan ng Kuro-kuro

Palitan ng Kuro-kuro

ni: Christina Galvez

Elekyon na!

Oras na upang makialam! Oras na upang marinig!

Maraming nagsasabing “bakit ka pa boboto, eh pare pareho naman ang mga kandidato. Mangangakopero mapapakogagamitin lang ang taxes ng mga Pilipino para magpayaman. Wala nang pag-asa.” Pero hindi totoong wala nang pag-asa. Mayron, kung makikialam ka! Mayron kung maninindigan ka! Kung iisipin mong walang mangyayari sa bansa, wala nga talagang mangyayari, kung tatanga ka lang diyan. Kaya natin itong baguhin, sa pamamagitan lamang ng ating pagboto.

Huwag na huwag mong ibebenta ang boto mo, dahil para mo na ring binenta ang kaululuwa mo. Pero meron kang paninindigan at integridad hindi ba? Sabihin mo sa sarili mo, ibang klase akong Pilipino, at hindi ko ipinagbibili ang boto ko, para sa kapakanan ng bansa, at ng pamilya ko!

Siguro naman naintindihan mo na kung gaano kabigat na responsibilidad ang pagboto mo, kaya ngayon, kailangan mo itong pag handaan ng mabuti. Heto ang ilang mga payong nais kong maipabatid sa mga boboto:

  1. Magparehistro. Kailangang ang lahat ng botante ay magparehistro muna sa ComElec. Para sa dati nang botante, siguraduhin na ang iyong pangalan ay nasa listahan ng mga botante. Makipag ugnayan sa munisipyo o city hall kung saan kayo nakatira.
  2. Kilatisin ang mga kandidato. Hindi lahat ng kandidato corrupt. Hindi lahat ay makasarili. Hindi lahat, mandaraya. Mayroon pa namang mga natitirang kandidatong mabuti. May mga kandiato pa ring may takot sa Diyos. Eto ang mga paraan upang malaman kung sino nga ba talaga ang nararapat piliin.
    1. Suriin ng mabuti ang kanilang plataporma at track record.
    2. Pag-aralan kung talaga bang binigyan nila ng halaga ang kapakanan ng mga mamamayang Pilipino. Dapat na mayroong siyang takot sa diyos at katapatan sa kaniyang mga paglilingkuran.
    3. Nararapat na siya ay may kakayahang mamuno.
    4. May integridad. Hindi nasusuhulan at totoo ang mga saliang binibitawan.
    5. Walang pinapanigan. Hindi biased.
  1. Bumoto sa araw ng eleksyon. Dumating ng maaga sa presinto at sundi ang mga tamang proseso sa pagboto.
  2. Sa araw ng pagboto, manalangin. Ito ay upang matulungan tao ng maykapal na gawin ang tamang desisyon sa ating pagboto. Manalangin tayo upang tayo’y kanyang gabayan at upang maliwanagan tayo sa ating pagpapasya.

Nawa’y gabayan tayo ng Diyos sa pagpili ng karapat-dapat na kandidato. VOTE WISELY!



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

et cetera
%d bloggers like this: