Halalan 2010











{September 18, 2009}   Ano ang mga kapalpakan pagdating sa eleksyon?

Ang Suhol

Ang Suhol

ni: Jonalyn Marcos

Tuwing eleksyon, hindi maiiwasang magkaroon ng mga kamalian, sapagkat, sa ayaw man natin o sa gusto, parte na ito ng bawat eleksyon.

Heto ang ilan sa mga kapalpakan pagdating sa eleksyon:

1. Nawawala ang mga pangalan ng mga botante sa voter’s list.

2. May nauunang bumoto sa pangalan ng iba.

3. Hindi napapatupad ang protocol sa mga kaboboto lamang (halimbawa: nakalimutang lagyan ng indicible ink ang botante, kaya’t nakakaboto pa ulit ito sa ibang pangalan. hindi rin na checheck kung napirmahan nga ba ng botante ang salungguhit na dapat niyang pirmahan.)

4. Hindi nagtutugma ang number words sa tally sheet.

5. Kulang ng pirma ang isa sa mga miyembro ng BEI o Board of  Election Inspection.

6. Pagkakaroon ng pagsalungat sa pagboto ng isang tao laban sa isang partido.

7. Pagkakamali ng botante sa paglalagay sa tamang ballot box.

8. Hindi tamang pagsasara ng guro o chairman sa lock ng ballot box bago umalis sa presinto na nagiging dahilan ng pandaraya.

Tumatak sa akin ang pang anim na “pagkakaroon ng pagsalungat sa pagboto ng isang tao laban sa isang partido” sapagkat marami na akong nasaksihan na ganito. Maraming magkakamaganak at magkakaibigan ang nagkakagulo dahil lamang dito. Sa tingin ko kasi, dapat mabigyan ang mga tao ng kanikanilang pananaw sa eleksyon. Hindi hawak ng kapwa natin ang desisyon sa kung sino dapat ang ating iboto at kung paano natin susuportahan ang ating napiling kandidato.

Halimbawa ang pamilya ko ay mahigpit ang pagsuporta kay kandidato B, ngunit hindi ako sangayon sa plataporma at pagkatao nito, kaya ang aking ibinoto ay si Kandidato A. Dahil sa ginawa kong ito, ay sumama ang loob ng aking pamilya, na humantong pa sa matinding alitan. Ngunit nararapat bang umabot pa sa ganito ang lahat? Hindi na di ba?

Masusulusyunan lamang ito kung tatanggapin ng bawat isa na ang bawat indibidwal ay may karapatang pumili ng kung sino ang nais nilang iboto. Lahat tayo ay maky kanya-kanyang pag-iisip at malaya tayong mamili sa kung ano ang tama at mali.



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

et cetera
%d bloggers like this: