Halalan 2010











{September 17, 2009}   Ang Mga Presidentiables
Alin sa Kanila?

Alin sa Kanila?

ni: Maryann Rose Estarez

Marami ang nag-aabang sa kung ano nga ba ang magaganap sa darating na “HALALAN 2010”. Hindi pa man din nagsisimula ang kampanyahan ay umuugong na ang kung sino ang inaasahang tatakbo sa naturang eleksyon. Mas maugong ang mga pangalan ng mga nag-aasam kumandidato sa pagkapangulo. Kanya-kanya ng istilo sa pagpaparinig na sila ay kakandidato, etong magkaroon ng advertisement sa mga telebisyon at radio, magkabit ng mga streamers at iba pang mga pakulo. Habang ang iba nama’y walang siguradong sagot kung sila nga ba’y tatakbo sa darating na eleksyon subalit sila ay inaasahan na ng tao na tatakbo. Noong una’y may 13 na tao ang inaasahang tatakbo sa pagkapangulo at ito ay sina: Makati City Mayor Jejomar Binay; Vice President Noli de Castro; MMDA Chairman Bayani Fernando; Senator Ping Lacson; Senator Loren Legarda; Senator Mar Roxas; Senator Manny “Sipag at Tiyaga” Villar; Senator Francis Escudero Pampanga; Governor “Among” Ed Panlilio; Secretary Gilbert Teodoro; Senator Richard Gordon; Former President Joseph “Erap” Estrada at Bro. Eddie Villanueva. Mayroong nadagdag at mayroon din namang natanggal sa listahan. Si Senador Ping Lacson ay natanggal sa listahan nitong Hunyo 5, 2009 dahil sa kinasangkutan nitong kontrobersya. Samantalang nadagdag si Nicanor Perlas nitong Hunyo18, 2009. Nadagdag din sa listahan si Jamby Madrigal nitong Hulyo 31, 2009. Gayundin nadagdag din sa listahan si Bro. Mike Velarde nitong Agosto 19, 2009. Nagpahayag din ng kanyang pagkandidato si Bro. Eddie Villanueva  Agosto 21, 2009. Samantalang natanggal naman sa listahan si Senador Mar Roxas bilang pagbibigay daan sa pagtakbo ni Senador Noynoy Aquino bilang pangulo. At narito ang mga taong naghahangad tumakbo sa pagkapangulo para sa Eleksyon 2010 (as of September): Chiz Escudero; Mike Velarde; Eddie Villanueva; Manny Villar; Jejomar Binay; Richard Gordon; Nicanor Perlas; Bayani Fernando; Jamby Madrigal; Ed Panlilio; Loren Legarda; Erap Estrada; Noli de Castro at Gilbert Teodoro. Sinu-sino nga ba ang mga ito? Atin silang kilalanin.

Francis Joseph “Chiz” Guevara Escudero ay isinilang noong Oktubre 10, 1969 at kasalukuyang miyembro ng senado, nahalal noong taong 2007. Si Escudero ay nagsilbi bilang miyembro ng Philippine House of Representatives from the First District of Sorsogon, at bilang Minority Floor Leader of the 13th Congress of the Philippines on his third and last House term. Siya rin ay naging Pangkalahatang Kalihim United Opposition, at miyembro ng  Nationalist People’s Coalition.

Mariano Zuniega Velarde o mas kilala sa tawag na Brother Mike ipinanganak noong Agosto 20, 1939 founder and Servant Leader of the Philippine based Catholic Charismatic religious group El Shaddai Movement which has a following of an estimated three to seven million Filipinos. Minsang naakusahan na gingamit ang koleksyon ng kanyang mga miyembo sa pansarili nitong kagustuhan. Gayunpaman patuloy pa rin ang pagdami ng miyembro nito. Siya ang nagmamay-ari Amvel Land Development Corporation, a real estate company and DWXI-TV, a UHF Television station.

Eduardo “Bro. Eddie” Villanueva isinilang noong Oktubre 6, 1946 sa Bocaue, Bulacan. Isang religious and political leader. Siya ang nagtatag at lider ng Jesus Is Lord Church. Noong 2004, isa siya sa mga kumandidato sa pagkapangulo ngunit hindi pinalad na manalo. Nitong Agosto 21, 2009, kanyang ipinaalam na siya ay tatakbong muli sa pagkapangulo sa 2010.



ama ng laguna says:

magandang gabi sa aking mga kababayan..

ngayong darating na election sa 2010,,hindi karapat dapat iboto si ping lacson,, at si noli de castro.
unang una pag naging presidente si lacson lalaganap ang holdapan sa manila . bangkrup!!!

wala na pag asa bansa natin lalo na kung si lacson ang presidente> at hinde lang yan marami pang tao na ipapatay ng hugas kamay na yan.. sya ang nag pautos na iligpit si dacer…at ang kanyang driver..
at bilang na masasayang araw ng lacson na yan…

si noli de castro …. kasabwat ni lacson….. at may plano na hindi maganda sa bansang pilipipnas



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

et cetera
%d bloggers like this: