Halalan 2010











{September 16, 2009}   Ang Mga Presidentiables
Sino sa Kanila?

Sino sa Kanila?

ni: Geraldine Cacas

(continuation)

Manuel “Manny” Bamba Villar, Jr. ipinanganak noong Disyembre 13, 1949. Siya ay isang businessman at politician. Siya ay ang  Presidente ng Nacionalista Party at miyembro ng senado. Si Villar ay  Ispiker ng House of Representatives mula 1998 hanggang 2000 (in which capacity he presided over the impeachment of President Joseph Estrada) at siya rin ay naging Pangulo ng Senado mula 2006 hanggang 2008. Siya ang kinikilalang pinakamayaman lehistador na naitala sa kasaysayan (where he was consistently the richest congressman from 1992 to 2001 and richest senator from 2001 until 2008 with a net worth of P1.04 billion). Sa Forbes Magazine na inerelis noong  Oktubre 2007, ang listahan ng “The Philippines’ 40 Richest“, siya ay ang panlima (and the year’s biggest gainer. From $110 million last year, his net worth shot up 755% to $940 million after the public offering of his company Vista Land & Lifescapes). Ang kabiyak nito ay  Cynthia A. Villar, currently the representative of the lone congressional district of Las Piñas. Meron itong dalawang anak na lalaki (Paolo and Mark) at isang anak na babae (Camille).

Richard “Dick” Juico Gordon, ay isang pulitiko, at pinuno ng Philippine National Red Cross, at senador ng Republika ng Pilipinas. Siya ay isinilang noong Agosto 5, 1945 sa Castillejos, Zambales. Nitong Agosto 6, 2009, ipinahayag ni Gordon ang kanyang pagtakbo sa pagkapangulo sa 2010.

Jejomar “Jojo” Cabauatan Binay ay isinilang noong Nobyembre11, 1941. Siya ang kasalukuyang alkalde ng Makati. Siya rin ay ang Presidente ng United Opposition (UNO), Presidente ng Partido Demokratiko Pilipino-Laban (PDP-Laban) at Presidente ng  Boy Scouts of the Philippines. Inihayag ni Binay ang kanyang nais na pagtakbo sa pagkapangulo sa 2010 nitong  Nobyembre 11, 2008 kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-67 na kaarawan. Siya ay tatakbo sa ilalim ng Partido ng Demokratikong Pilipino-Laban (PDP-Laban). Si pagtakbo ni Binay ay sinoportahan ng dating pangulo Joseph Estrada.

Nicanor Perlas ipinanganak noong Enero 10, 1950. Siya ay isang  Filipino activist and a recipient of the Right Livelihood Award (also known as the “Alternative Nobel Prize”) in 2003.

Eddie “Among Ed” Tongol Panlilio ay isang katolikong pari at Gobernador ng Pampanga. Siya ay nasuspindi sa pagkapari dahil sa pagiging gobernador nito. Siya ang ikalawang pari na nahalal, ang una ay si Fr. Margarito Gonzaga, na nahalal na alkalde ng Alburquerque, Bohol noong 1971. Si Fr. Ed Panlilio ay ipinanganak sa Minalin, Pampanga noong Disyembre 6, 1953. Handa rin nitong isuko ang pagtakbo sa pagkapangulo upang makumbinsi si Senador Aquino na tumakbo sa pagkapangulo sa 2010.

Lorna Regina Bautista Legarda ay ipinanganak noong Enero 28, 1960 siya ay isang broadcast journalist at politician. Noong 2004 ay tumakbo ito bilang pangalawang pangulo at running mate nito si Fernando Poe, Jr. As of 2007, she is serving her second term as an incumbent senator in the Philippines. Bilang journalist, natanggap nito ang “Ten Outstanding Young Men and Women (TOYM) award” at nito lang ay natanggap rin niya ang mga parangal sa Davos World Economic Forum as a Global Leader of Tomorrow (GLT) at mula saUnited Nations Environment Programme for her advocacy for the environment. Sa darating na 2010 plano ni Legarda na makatambal si Senador Chiz Escudero. Ayon kay Escudero:“If I were to choose a presidential candidate, it will be Loren. For whatever reason, Loren and I will always be together. In running, we won’t be apart.”

Joseph Ejercito Estrada ay isinilang noong Abril 19, 1937 siya ang ika-13 pangulo ng Pilipinas na nanungkulang mula  1998 hanggang 2001. At naptalsik sa pamamagitan ng  EDSA Revolution. Si Estrada ay sumikat bilang actor, at gumanap sa 100 pelikula sa kanyang 33 taon sa industriya ng pag-arte. Naging alkalde ng San Juan sa loob ng 17 taon, naging senador ng isang termino at naging pangalawang pangulo sa ilalim ng administrasyong-Ramos. Ito ay naakusahan ng pandarambong at kung kaya’t ito ay na-impeach noong 2001. Nong 2007, he was found guilty of plunder and sentenced to reclusion perpetua, but was later granted a pardon by President Gloria Macapagal-Arroyo. Balak nitong tumakbo sa darating na eleksyon ngunit hindi pa malaman kung pwede pa ba itong tumakbo.

Gilberto Eduardo Gerardo “Gilbert”/”Gibo” Cojuangco Teodoro Jr. ay ipinganak noong Hunyo 14, 1964 ay kasalukuyang Kalihim ng National Defense of the Philippines. Mula 1998 hanggang 2007 siya ay miyembro ng House of Representatives, representing the First District of Tarlac. Noong Marso 2009 ay inihayag nito ang kanyang nasang pagtakbo sa darating na eleksyon sa pagkapangulo. Nakita rin ito sa primetime soap opera na Tayong Dalawa.

Manuel Leuterio de Castro, Jr. ay isinilang noong Hulyo 6, 1949, mas kilala bilang Noli de Castro or “Kabayan” Noli de Castro, isang pulitiko at dating broadcast journalist. Si De Castro ay nahalal na senador noong 2001 at nahalal na pangalawang pangulo noong 2004. He is the first independent Senatorial topnotcher and the first elected independent Vice-President. De Castro has consistently been a front-runner for the 2010 presidential elections. Pero hindi pa nito inihahayag ang intensyon nitong pagtakbo sa 2010 election.

Hindi pa man din nagsisimula ang campaigning period ay alam na ng mga Pilipino ang mga taong may intensyong tumakbo sa pagkapangulo sa darating na eleksyon. Sa dami nila sino kaya ang papalarin na maging pangulo ng bansa. Kung sino man ito nawa’y mabigyan niya ng pagbabago at pag-unlad ang ating bansa. Ako bilang kabataan ay umaasa na sinuman sa kanila ang manalo sila ay magiging isang responsableng lider ng bansa.



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

et cetera
%d bloggers like this: