Halalan 2010











{September 15, 2009}   Noynoy, the New Hope?
Is he really the new hope?

Is he really the new hope?

ni: rich andrew reyes

Sa pagpanaw ng dating Pangulong Corazon Aquino na tinaguriang ina ng demokrasya, ang buong bansa’y nagdalamhati. ‘Tila nawalan ng isang ina na nagtatanggol para sa kabutihan ng bawat mamamayang-Pilipino. Sa kabila nito nakta ng bawat Pilipino ang bagong pag-asa sa anak nitong si Senador Benigno ‘Noynoy’ Aquino III, na siyang magpapatuloy sa kung anuman ang nasimulan ng mga magulang nito para sa bansa at ang magpapatuloy ng “laban”. Sa una’y hindi malaman ni Noynoy sa kung ano ang isasagot sa haing ibinigay sa kanyang tumakbo bilang Pangulo ng bansa sa darating na Halalang 2010. Alam at naranasan nila ang hirap ng pinagdadaanan ng isang lider ng bansa. Ayaw nitong biguin ang bawat Pilipino kaya’t matinding pag-iisip ang ginawa nito Bilang pangunang pagsuporta, nangalap ng mga signature campaigns na nagsasabing nais  nilang tumakbo si Noynoy sa pagkapangulo. Nagbigay daan din si Senador Mar Roxas para sa kandidatura nito. Iniurong no Roxas ang kanyang nais na pagtakbo bilang pangulo sa darating na halalan. Upang ‘di masayang ang mga suportang ito ay masusing pinag-isipan ni Noynoy ang matinding hamong ito. Kaya’t nagsagawa ito ng retreat gaya ng ginawa ng kanyang ina noong pinipilit rin itong tumakbo bilang lider ng bansa. Ang retreat ay ginanap sa isang monasteryo sa Zamboanga na pinagkukunan ng desisyon ng kanilang pamilya sa bawat gagawin nito. Sa ikaapatnapung araw sa pagakamatay ng kanyang ina ay ibinigay nito ang kanyang desisyon, gaya ng kanyang ipingako. At sa huli ay tinanggap nito ang hamon na tumakbo sa darating na halalan sa darating na 2010 upang ipagpatuloy ang laban para sa demokrasya. At kanya ring winika ng kanyang tanggapin ang hamon, “Tinatanggap ko ang hiling ng sambayanan. Tinatanggap ko rin po ang bilin at habilin, tagubilin ng aking mga magulang. Tinatanggap ko ang responsibilidad na ituloy ang laban para sa bayan. Tinatanggap ko ang hamong mamuno sa labang ito. Bayang Pilipinas, tatakbo ako sa pagka-pangulo sa darating na halalan.”  Ibinigay nito ang kanyang desisyon sa Club Filipino in Greenhills sa San Juan City, ang lugar kung saan din tinaggap ng kanyang ina ang hamong tumakbo bilang lider ng bansa. “I want to make democracy work not just for the rich and well connected but for everybody” ayon kay Aquino, na magiging standard bearer ng Liberal Party (LP).  Nais rin ni Noynoy na makapareha si Senador Roxas bilang bise nito. Ngunit tulad ng ginawa ni Noynoy ay nais rin ni Roxas na mapg-isipang mabuti ang alok At ayon dito, “Wala namang dahilan kung bakit hindi ko tatanggapin ang alok. Pero gusto ko lang na mapag-isipan ng mabuti. Malaking pagbabago ito sa direksyon na tinatahak ko,” .  At nasabi rin nito na “Sabi ko nga dati, hindi kami maghihiwalay ni Sen. Noynoy. Kabahagi ako sa isinusulong niyang pagbabago sa ating bansa. Ang 2010 polls ay pagtutuos ng tuwid kontra sa baluktot, tama kontra sa mali, kabutihan kontra sa kasamaan na nakikita natin sa ngayon; at kabahagi ako sa laban na yan,”. At buhat tanggapin ni Noynoy ang hamong tumakbo bilang pangulo ng bansa ay kasabay rin nito ang pagtaas rating nito na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) nitong Septyembre. Nakuha ni Noynoy ang 50% sa 1,200 na repondente. Naksama rin sa survey sina Sen. Manuel “Manny” Villar Jr., former President Joseph Estrada, Senator Francis ‘Chiz’ Escudero, at Vice-President Noli de Castro. Ngunit may ilang taong hindi naniwala sa survey na ito. Isa na rito ang Lakas-Kampi-CMD party. “Palagay ko questionable ang survey na yan. Kahit si Erap at the height of his popularity umabot ng 39 percent. Walang umaabot ng 50 percent unless it’s a two-party system. Ito multi-party system,” ayon kay Pichay na siyang pangalawang pangulo ng partido ng Lakas Kampi-CMD. Gayumpaman, ayon sa tagasuporta ni Noynoy ang survey na ito ay hindi mahalaga, ang tunay laban ay magaganap sa Mayo 10, 2010.  Hindi pa man nauupo si Senador Aquino bilang pangulo ng bansa ay may ilang plataporma para sa ating bansa. Una na nga rito ay ang kapayapaan sa Timog Mindanao. At ayon pa nga dito, “There is a need for more dialogue, the setting up of a baseline where we can communicate with each other. If the current intermediaries are not enough, we will find better intermediaries,”.  Nais rin nitong pagtuunan ang edukasyon ng mga kabataan na ayon sa kanya ay bulok na ang sistema.  At nagwika pa itong, “Ang Pilipino ba just-tiis, walang justice? I do not understand why we have to settle for substandard materials with which to educate our youth, year in, year out. That should not be a tradition. That should be a tragedy that should never be repeated again. And I stand to correct that, if given the chance,”

Ako bilang isang kabataan, at bilang isang mamamayang Pilipino na kung sakali man na si Noynoy ang mahahalal na pangulo ng ating bansa ay inaasahan ang pagbabago at pag-unlad sa ating bansa. Nawa’y maging inspirasyon nito ang nagawa ng kanyang mga magulang para sa bansa. Lubos akong umaasa na itutuloy nito ang labang nasimulan ng kanyang ina na minsang naging lider ng ating bansa  Nawa’y maging ganito rin ang prinsipyo ni Noynoy kung sakali mang pamumunuan nya ang ating bansa Hinihiling ko ang pagbabago mula sa bulok na sistema ng pamamalakad ng ating pamahalaan. Buhat dito, gaya ng umaasa sa kakayahan ni Noynoy ay inaasahan kong “Dilaw para sa Pagbabago” ang maging tema ng kanyang pamamahala kung sakali mang palarin itong maging pangulo ng bansa.



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

et cetera
%d bloggers like this: