Halalan 2010











{September 14, 2009}   Gilbert “Gibo” Teodoro, standard bearer ng Lakas-Kampi-CMD
Against his couzin?

Against his couzin?

ni: Mark Anthony Martinez

Sa katagalan, idineklara na ng Lakas-Kampi-CMD na si Defense Secretary Gibo Teodoro  ang kanilang standard bearer sa darating na 2010 presidential election.

Napagkasunduan ng administrasyon na maglahad ng plataporma ang kanilang mga kapartido na siya namang magiging basehan ng pagpili sa nararapat na maging standard bearer ng partido. Pabor na pabor ito kay Defense Secretary Gibo Teodoro dahil handa siya samantalang si Metro Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando ay hindi handa, at sinubukan niyang hilingin na bigyan pa siya ng panahon para dito na hindi naman sinang-ayunan ng nakararami sa partido. Walang kaba at palabiro pa nga ang MMDA Chairman habang papunta sa Shangrila Hotel para sa gaganaping secret balloting ng administrasyon.

Siguradong si Defense Secretary Gibo Teodoro na ang makakakuha ng boto ng karamihan sa partido dahil sa inilahad niyang mgandang plataporma para sa ating bansa.

Dahil hindi handa si MMDA Chairman Bayani Fernando, ang magagandang pananalita ni Teodoro ang nanaig sa ginawang pagpupulong. Isa sa binitawan niyang pahayag ay “Lakas-KAMPI-CMD was the next logical step in order to serve our country in the best way possible,” aniya.

Dahil dito nanalo siya sa kanyang kalaban na si Metro Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando sa ginanap na secret balloting sa Shangrila Hotel sa Mandalayong City.

Ang tanong ngayon, sino kaya ang mananalo sa posisyon sa pagitan ni Noynoy at Gibo (mangyari lang na sila’y magpinsan)??? Hmmm…



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

et cetera
%d bloggers like this: