Halalan 2010











{September 13, 2009}   Pakitang Tao?
Champion of Deception?

Champion of Deception?

ni: Nica Joy Maclang

Maraming tactics ang ginagamit ng mga nangangampanya. May namimigay ng stickers, ng fliers, ng mga t-shirts at kung anu-ano pang pakulo, ngunit mayroon akong nasaksihan na sa tingin ko, ay ang pinaka effective na paraan upang makakalap ng boto. Ang natural perception ng tao! Alam niyo ba kung sino ang gumamit nito? Si Mar Roxas.

Alam kong iniurong niya ang pagkandidato niya bilang presidente, ngunit maaaring ito’y bahagi lamang ng kaniyang three phased plan. Hindi ba’t napaka cunning ng planong ito? Umurong sa pagtakbo bilang pagkapangulo. Kumandidato sa ibang posisyon. Konting kampanya na lamang at solved na ang lahat!

Dahil sa kamamatay lamang noon ng isang democratic symbol na si dating Pres. Cory Aquino, hindi napigilan ang mga usap usapang tatakbo si Noynoy Aquino. Noong mga panahong iyon, desidido na si Mar Roxas na kumandidato. Ngunit, sa tingin ko, may pakiramdam na rin siya na hindi na siya mananalo, lalo pa’t nagniniig ang mga taong makita si Noynoy na nasa pwesto. Ang pag-urong niya ang naglunsad sa unang phase ng kaniyang plano.

Sa ngayon, inalok siya ni Sen. Noynoy Aquino na maging running mate nito sa darating na eleksyon. Sa tingin ko, ito na ang oportunidad na hinihintay ni Mar. Nailunsad na ang pangalawang phase ng plano. Natural lamang kasi na medyo makonsyensya si Noynoy Aquino dahil sa biglang pag backout ni Mar sa Presedential listing. Nagamit Dito ang tinatawag nating “kusang loob” dahil naman sa “pakikipag kapwa tao”. Ayaw naming lumabas na ingrate ni Noynoy, kaya’t kinuha na niyang running mate si Mar.

Sa ngayon, kaunting pangangampanya na lamang at maaaring na siyang manalo. Hindi man sa pagka pangulo, ngunit sa sunod na pinakamataas na posisyon sa buong bansa.

Umatras man si Mar, nagmukha man siyang natalo, ngunit para sa kaniya, sa kaniyang mga taga-suporta, at sa mga nakaintindi rin ng kaniyang hidden plan, panalo pa rin siya!



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

et cetera
%d bloggers like this: