Halalan 2010











{September 13, 2009}   Is It Really Sweeter the Second Time Around?

Are you Worth It?

Are you Worth It?

ni: Jasmine Caparas

Marami mang hindi pabor sa muling pagtakbo ni Erap, iba naman ang pananaw ko sa paksang ito. Sa tingin ko, walang masama sa muli niyang pagtakbo. Bakit? Kasi baka sa pagkakataong ito, maitama na niya ang mga pagkakamali niyang nagawa.

Huwag naman natin siyang husgahan bilang tao dahil lamang sa mga nagawa niyang kamalian sa nakaraan niyang paninilbihan sa pagkapangulo. Hindi ba’t ang sabi nila, “everybody deserves a second chance”. Isa pa, boboto naman tayo hindi ba? Ibig sabihin, mananalo pa rin naman ang majority.

Lahat naman ay may kanikaniyang mga opinion ukol dito, ngunit para sa akin, sana’y hind imaging sarado ang ating mga isip sa posibilidad na siya’y may pag-asa pang mag bago. Hindi pa naman huli ang lahat hindi ba? Maaaring sabihin ng lahat na ang pagtakbo niya ay upang makakuha lamang ng exposure. Marahil ay nais talaga niyang baguhin ang lagay ng Pilipinas, hindi para sa ikasasama, ngunit sa ikabubuti! Dapat tayo’y matutong magtiwala ng paminsan minsan.

Hindi ko naman sinasabing iboto nating lahat si Erap, ngunit sa tingin ko, nagiging unfair tayo sa kanya. Nag lagay na tayo ng pader sa posibilidad na i-consider syang maging kandidato natin sa botohan. Sana naman ay magkaroon tayo ng bukas na isip, at maliwanag na puso sa pagboto. Bumoto tayo, hindi ayon sa pananaw ng iba, hindi sa pag didikta ng iba, hindi base sa sama ng loob natin sa mga kandidato, ngunit base sa kung ano nga ba ang magagawa nila upang umunlad ang ating bansa.



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

et cetera
%d bloggers like this: